i was in manila last wednesday and thursday. it was all unplanned but i have to go there to bring something important. i was amazed with how i experienced some "firsts"and learned a couple of things (some are trivial pero nakakatuwa ding isipin!)
1. pwedeng magkaJob oportunity kung mag-isang nagbabyahe
- the story: i was seated in the back part of the plane, mag-isa...as in no seatmate at nang nakapagtake-off na there were two professional looking businessmen who transferred on our row. ewan ko kung anong nakita ng isang iyon at biglang nakipag-usap. di naman ako kinabahan kasi mukhang desente naman talaga siya. he asked about my purpose of travel, where i'm working etc. eventually he introduced his business and gave me his calling card. he said that i could send my resume to him and if i have recommendable friends in the field of engineering, he would gladly take time to consider them for employment. (he's the owner of vercide enginering works based in Phividec area in Misamis)
*first time to be seated near the window!really nice view from up above!
" ano ang laman ng mga suitcases ng mga pilot at flight attendants at daladala talaga nila ito sa kanilang byahe?di ba nakauwi din naman sila sa kanilang mga bahay by the end of the day? wala ba silang locker sa airport?
2. walang seat/row 13 sa eroplano (PAL)
"bakit kaya?...malas?...at bago ko lang talaga na pansin yun ha
3. hindi lahat ng pizza sa mga restaurants ay masarap
-kumain kami sa isang resto sa MOA at hindi talaga ako nagdalawang isip umorder ng pizza kasi "specialty" daw nila yun pero ayun disappointed ako. sayang din yun pinagbayad, sana nag.greenwich na lang..haha
4. magdala palagi ng flipflops
-bestfriend ko na talaga tong flipflops kong to. more than a year na siya sa akin, overused but no signs of "wear and tear" kaya di na rin ako nagnhinayang sa presyo nito, sulit din talaga. nakasandals or shoes, palagi kong dala ang bestfriend kong to kaya kahit na buong araw kong libutin ang MOA, no worries.my havs is in my bag ready to rescue my dear feet!
*first time kong magDivisoria, buti na lang nakita namin kaagan ang tutuban. i was really hoping na sa 168 pumunta pero sumuko na talaga ang paa ko. enjoy din tumingin-tingin sa murang bags and dresses pero yun nga lang dahil sa dami ng pagpipilian at pagbabakasakaling baka may mas mura pa sa susunod na stall, wala akong masyadong nabili.isang bag at dress lang talaga.
5. uso na ang garden sa loob ng mall.
-dati pagandahan at pataasan ng fountains sa loob ng mall, ngayon it's all about bringing the nature inside.parang nagsimula ata sa greenbelt tapos sa gateway at ngayon meron din pala sa trinoma. first time ko makapunta sa trinoma at nagenjoy talaga kami ng pinsan ko sa minifalls at minigarden.
"mas malapit ang Ayala Center sa Trinoma kesa SM north! haha... supposedly next stop namin after tirnoma ang SM north kaso tinamad sa kalsadang kelangan pang tawirin kaya ayun, dumiritso na lang ng Ayala. thanks to the MRT, parang ang lapit lang ng lahat sa EDSA!
6. looking for corporate attire?wag ng maghanap sa iba, dumiretso na sa Ayala Center, preferably sa Landmark.
-ang daming mapagpipilian, from shoes to bags, pants to skirts, blouses and jackets...may mahal at meron ding mura. i don't know how true it is, pero every weekend daw ang sale dun...ang saya din kung ganun noh?...
*first time kong magStarbucks! i don't understand whta's the craze all about pero nakijoin na lang din ako, anyway libre din naman kasi. comment? mocha frapuccino ang inorder para sa akin, masarap siya, nag.enjoy din ako pero feeling ko talaga kaya ko ding tiisin na isave na lang yung pera ko at magenjoy sa nescafe 3 in 1. pero at least i can say na i've been to starbucks and i like there mocha frapuccino!hehe
7. kaya ang 30 minutes na byahe from Pasay to Molino, Bacoor.
-since nag.cocomute lang din kami (courtesy of the colorum vans) it would usually takes us 45 minutes to one hour to get to Pasay. it was past 9 in the evening ng umuwi ako, kaya medyo light na ang traffic kaya dire.deretso ang byahe. tsaka ko lang narealize na ang lapit na nga pala talaga ng Bacoor sa Manila.
(binasa ko ulit ang entry kong ito at na realize kong non-sense talaga...hehe sayang naman kung idelete ko lang. di ba?... basta ang point ko, if we're conscious enough and we allow ourself to notice and appreciate the little things, nakakatuwa din na balikbalikan ang memories lalo na kong naidentify mo kung saan ka nasiyahan. i've travelled to manila a couple of times but sa 2 day visit ko nato mas marami akong narealize. and i thank God even more for how he could show his goodness and greatness even thru this simple experiences.)